Sey ng experts... NATA DE COCO, EPEKTIB NA PANLABAN SA SAKIT SA PUSO!


MADALAS itong inilalagay sa halu-halo at sa nauusong milk tea ngayon. Sino ba ang ayaw ng nata de coco? Bukod sa masarap itong nguyain, eh, hindi ito mabigat sa tiyan. Yummers! Pero, knows ba ninyo ang mga benepisyong kayang idulot nito? Kung dehins, halina’t alamin natin ang mga ito!
Ang nata de coco ay mula sa coconut juice na madalas gamitin bilang material ng “takjil”. Gayunman, dehins knows ng karamihan sa atin na ito ay kering makapagpapayat. Wow!
Ang salitang nata ay nagmula sa Spanish language na ang ibig sabihin ay “natare” o floating.
Samantala, bukod sa coconut juice, ang nata ay puwede ring magmula sa coconut milk, sugar syrup, fruit at aloe vera. Sa pag-aaral na nai-published sa Healthylifestyletips.com, ang nata ay ideal na pagkain para sa pagpapapayat kung saan puwede itong kainin kung susubok kayong mag-fasting, sakto ngayong Semana Santa dahil marami sa atin ang iiwas sa pagkain ng mga karne.
Ang nata de coo ay punumpuno ng nutrients kabilang dito ang calcium, iron, phosphorus, Vitamin B1 at protein.
At dahil mayroong low fat content ang nata, mayroon din itong fiber at cellulose na mainam para sa mga taong slim at nagdidiyeta.
Sa pamamagitan ng fiber, kering i-prevent ng nata ang constipation, hemorrhoids, appendicitis, colon cancer, diabetes, coronary heart disease at obesity.
Bukod sa masustansiya ang nata, nakatutuwa dahil mayroon itong distinctive flavor at texture, kaya nababagay ito sa iba’t ibang klase ng inumin.
Kaya ang payo ng mga eksperto, bukod sa pagtangkilik sa black pearl, make sure na susubukan din ninyo ang nata de coco. Copy?
Kaya mga beshy, huwag tayong puro kain at inom lang, dapat knows din natin ang benepisyong maidudulot nito sa ating katawan.
Sa totoo lang, mas masarap kumain kung ‘yung pagkain, eh, alam nating masustansiya at may magandang maidudulot sa ating buhay. Agree?
Be conscious and attentive, mga beshy!
Okidoki?





Comments