top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kaya 5 na ang branches ng negosyo… KALAT NA: ARA MINA, MAY BAGONG RICH PAPA

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 6, 2019
1 min read

ZINOZIYA?

Ito ngayon ang tanong ng mga showbiz aficionados na interesadong mala­man kung sino ang mystery guy na di­umano’y benefactor ni Ara Mina kaya lima na ngayon ang branches ng kanyang Hazel­berry Café.

Just in case you don’t know, Hazel ang real monicker ng seksing aktres kaya ito ang ipinangalan sa kanyang resto-café-bar na dinudumog ngayon sa Don Antonio, QC, Alabang Hills at Ayala Malls Feliz.

Opening soon ng branches sa Angeles City in Pampanga and Ayala Fairview Terraces.

Natatawang sinabi ng sister ni Cristine Reyes na ‘di niya kailangan ang benefactor (a.k.a. sugar daddy/financier) para mabuhay dahil galing sa sari­ling bulsa ang kanyang puhunan. Hindi naman siya tumigil sa showbiz. She guests on TV shows at gumagawa ng pelikula up to now.

In short… walang ZINOZIYA sa kanyang buhay.

After election day ay ipapalabas ang The Mayor ANTONIO HALILI STORY. Si John Estrada ang gaganap na alkaldeng binaril at namatay while attending a flag ceremony in Batangas. Ginampanan ni Ara ang papel ng maybahay ng yumaong public servant.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page