Bukod daw sa pera, mga besh! IBA’T IBANG BAGAY NA NAKAPAGDUDULOT NG STRESS
- Rona
- Apr 6, 2019
- 2 min read
No Problem

SA araw-araw na pagtahak natin sa buhay, madalas nasasabi nating “nakaka-stress!” Anu-ano nga ba ang nakapagdudulot sa atin ng stress bukod sa kakulangan ng pinansiyal o problema sa pera?
1. WORK. Ayon sa mga eksperto, ang trabaho ay isa sa pinakapangunahing dahilan ng stress dahil dito natin binubuno ang malaking porsiyento ng ating oras at panahon sa araw-araw. Dito nakasalalay ang ating kabuhayan, kaya mas stressful ang mga walang trabaho. Malaki rin ang epekto nito sa ating lifestyle. Sabi nga ni Susan L. Taylor, “stress and worry, they solve nothing. What they do is block creativity. You are not even able to think about the solutions. Every problem has a solution.”
Kaya sa mga boss diyan, alam n’yo bang stress din ang rason ng katamaran ng mga trabahador? Kaya huwag ninyo masyadong bigyan ng stress ang mga empleyado ninyo, sige, kayo rin! He-he-he!
2. RELATIONSHIPS. Sabi ng petmalung author na si Elizabeth Scott, “relationships can bring us the best of times and the worst of times.” Kapag pumasok ang topic na relationship, puwedeng relasyon sa dyowa, pamilya, kaibigan, kakilala, katrabaho o relasyon mo sa iyong sarili.
Ang pagkakaroon ng conflicts at disagreements sa trabaho man o sa tahanan ay isa rin sa mga bagay na maaaring magdulot ng stress.
3. NOT HAVING ENOUGH TIME. Ang kakulangan sa oras ang isa sa mga pangunahing bagay na nakapagdudulot sa atin ng stress. Madalas, pakiramdam natin ay kulang ang 24 hours para sa mga bagay na dapat nating gawin, lalo na kung sobrang loaded na tayo sa gawain at dahil dito, nai-stress tayo.
Pero mga ‘tol, kung matututo lang tayo ng wastong time management, malamang, magkakaroon ka pa ng oras para mag-enjoy.
4. FAILURE TO TAKE TIME OUT AND RELAX. Kung araw-araw ka na lang full time na nagtatrabaho, darating at darating ang panahong makararamdam ka rin ng pagod at hindi ito maganda dahil magbubunga ito ng kawalang-gana sa trabaho.
Kaya naman sey ng experts, recharge-recharge rin ‘pag may time! Kung iniisip mong pagsasayang lang ng oras ang pag-e-enjoy, nagkakamali ka, ‘tol!
‘Ika nga ni Ralph Marston, “rest when you’re weary. Refresh and renew yourself, your body, your mind, your spirit. Then get back to work.” Kaya mga bro, bakasyun-bakasyon din! Okie?
5. HEALTH. Madalas kapag nagkakasakit ang mga “tumatanda” na, sinasabi ng mga doktor na iwasang ma-stress dahil ang stress ay nakapagdudulot ng iba’t ibang sakit.
Ngunit, knows ba ninyo na ang health issues din natin ay nakapagdudulot ng stress? Simpleng pimples nga lang, kinai-stress-an na ng iba, ano pa ‘yung mga taong may malalang sakit at karamdaman? Hmmm…
Pero mga ‘tol, tandaan natin na ang pagiging positive thinker ang pinakasolusyon sa lahat ng stress issues natin sa buhay. Sabi nga ng petmalung lodi ko na si Hans Selye, scientist, father of stress research, “adopting the right attitude can convert a negative stress into a positive one.”
Gets mo?





Comments