Bigtime pusher dedo sa shootout
- Pabs Hernandez III
- Apr 6, 2019
- 1 min read
NUEVA ECIJA—Isang bigtime drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya, kamakalawa sa Bgy. Mayapyap Sur, Cabanatuan City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Joy Lizarondo, nakatira sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na darakpin sana ng pulisya si Lizarondo sa drug-bust operation, pero bigla umanong pinagbabaril ng suspek ang mga awtoridad.
Dahil dito, kaagad gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek.





Comments