7 KABAYO sa 2019 PHILRACOM 4 YR OLD
- Green Lantern
- Apr 6, 2019
- 1 min read

MAGHAHARAP sa susunod na Linggo Abril 14, ang pitong mananakbo sa pag-alagwa ng 2019 PHILRACOM “4 Year Old & Above Local Stakes Race sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.
Ang nasabing karera ay tatawirin ang distansiyang 1,400 meters ng mga kalahok na Cerveza Rosas, Hot and Spicy, Lakan, Mandatum Salt & Pepper, Smokin Saturday at Summer Romance.
Tatanggap ng P300,000 ang tatanghaling kampeon habang makatatanggap ng P112,500 ang pangalawa at tatanggap ng P62,500 ang tatanghaling 3rd placer at mag-uuwi ng P25,000 ang darating na 4th place.
Ang nasabing laban ay pinapaboran ang Summer Romance, ang Cerveza Rosas at Salt and Pepper. Binibigyan din ng panalo ang Lakan at Hot and Spicy.
Samantala, magkakaharap sa Abril 17 ang pinakahihintay na karera sa pagsisimula ng 2019 PHILRACOM “3 Year Old Local Fillies & Colts” sa Saddle & Clubs Leisure Park, Naic Cavite.
Ayon sa Philracom, bukas sa mga kabayong 3 taon gulang na pawang mga local lamang. Tatanggap ng halagang P600,000 ang tatanghaling kampeon habang tatanggap naman ng P225,000 ang tatanghaling 2ndplace, at makatatanggap ng P125,000 ang 3rd place at mag-uuwi ng P50,000 ang 4th placer. Mag-uuwi ng P30,000 ang breeder na horse owner sa tatanghaling kampeon na kabayo.





Comments