Nasagasaang 2 MMDA, tinakbuhan, negang-nega… MIGO, 'DI TSINUGI NG SIYETE SA MGA SHOWS, BINANATA

Nitz Miralles / BIDA

MAY nakita kaming picture ni Migo Adecer na nasa set ng taping ng Sahaya, kaya any day now, mapapanood na siya sa epic drama series kung saan ginagampanan niya ang role ni Jordan, anak ni Eric Quizon.
Iba-iba ang reaction ng mga netizens sa balitang tuloy sa Sahaya si Migo at hindi pinalitan pagkatapos ng kinasangkutan nitong gulo kung saan tinakbuhan nito ang nabanggang dalawang MMDA personnel.
May natuwa at excited na mapanood na si Migo sa serye, pero meron din namang hindi natuwa dahil baka mas yumabang daw si Migo lalo’t nakilala siya.
Kasama pa rin si Migo sa Studio 7 dahil nakita namin ang picture niya kasama ang iba pang performers sa musical show para sa summer road trip sa Norte this Friday, April 5.
Magsisimula ang Studio 7 sa SM City Telabastagan, Pampanga (10 AM), SM City Tarlac (1 PM), at CSI The City Mall, La Union (6 PM).
Siguradong kasama pa rin si Migo sa cast ng pelikulang Black Lipstick kasama sina Kyline Alcantara, Manolo Pedrosa, Kate Valdez at iba pa.





Comments