MAU AT BEDART-GHANI NG UVC, NAGMALUPIT SA SLR
- BULGAR

- Apr 5, 2019
- 2 min read

NAGSANIB-PUWERSA sina Kalei Mau at Yaasmeen Bedart-Ghani sa pinakahuling bahagi ng laro upang iangat ang United VC sa bisa ng panalong 21-25, 25-18, 23-25, 25-14, 15-11 laban sa Sta. Lucia Realtors sa Philippine Superliga Grand Prix kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.
Nakagawa si Mau ng isang malupet na bagsak ng laro sa fifth set habang si Bedart-Ghani ay ipinaramdam ang liderato para sa United VC upang isara ang klasipikasyon ng team sa prestihiyosong women’s club tourney.
Tumapos ang United VC na taglay ang 7-7 win-loss mark at kailangang makapasok sa 5th spot upang makalarga sa quarterfinal duel kontra fourth-seed Cignal, na magmamartsa na sa twice-to-beat advantage.
Nakuha ng reigning champion Petron ang top spot dahil sa walang mantsang 14-0 marka habang ang F2 Logistics at PLDT Home Fibr ay nasa second at third spot na may 10-3 at 8-6 records, ayon sa pagkakasunod.
Nagpakawala si Mau, dating Arizona star, ng 26 points, 12 digs habang si Bedart-Ghani ay may 21 kills at 4 blocks para tapusin sa 25 puntos ang United VC, na wala pa rin sa serbisyo ang import na si Tai Manu-Olevao.
Malakas na laro rin ang ipinakita ni setter Alohi Robins-Hardy, nagbigay ng 22 excellent receptions sa bisa ng 12 puntos at 5 blocks, 5 attacks at dalawang aces. “It was frustrating for them because we lost a really close set. We didn’t have anything to say because the players knew it was a wake-up call,” ayon kay United VC coach Joshua Ylaya. “We were hoping to have a chance at a twice-to-beat. Whoever we face, we’re not going to take them lightly.”
Nabigo naman ang Sta. Lucia na ipakita ang killer instincts.Binalikat ni import Casey Schoenlein ang laro sa bisa ng 20 puntos habang si Pam Lastimosa ay may 13 puntos kabilang ang 12 excellent receptions at may 10 si Molly Lohman para sa Lady Realtors na nahuli sa ilalim ng standings na may 2-12 marka sa torneo na isinasaere ng ESPN5 at 5 Plus bilang broadcast partners. (MC)
Laro Bukas: (Filoil Flying V Centre)
4:00 pm — Petron vs Sta. Lucia
6:00 pm — F2 Logistics vs Foton





Comments