Kidnapper humirit ng P26-M ransom | TURISTA DINUKOT SA UGANDA
APAT na armadong kalalakihan ang dumukot sa American tourist at driver nito sa Queen Elizabeth National Park sa Uganda at humihingi ng $500,000 o katumbas ng P26 million bilang ransom.
Kinilala ang biktima na si Kimberly Sue Endecott, 35.
Batay sa impormasyon, binabagtas ng driver na si Jean Paul, (Ugandan) ang Queen Elizabeth National Park nang bigla silang harangin ng apat na armadong kalalakihan.
Ayon sa mga awtoridad, iba’t ibang illegal groups mula Somali Islamists ang nagpapatakbo sa Uganda ngunit, hindi nito kinumpirma ang pagkakakilanlan ng mga suspek.
Dagdag pa ng mga ito, ginamit umano ng mga suspek ang cellphone ng biktima upang tumawag at humingi ng ransom money.
Dahil dito, bumuo na ang Tourism Police ng “elite squad” at isinara ang lahat ng exit areas sa border ng Uganda at Democratic Republic of Congo sa paniniwala na hindi pa nakalalayo ang mga suspek.





Comments