Babu sa showbiz 'pag nanalo… MANOY EDDIE, KANDIDATO NG PARTY LIST
- BULGAR

- Apr 5, 2019
- 1 min read

KUMPIRMADONG bahagi ng partylist na Ako Bicol ang premyado ay veteran actor-director na si Eddie Garcia. Mismong siya ang nagsabi na siya ang number one nominee sa Ako Bicol partylist nang makausap namin recently.
Kaya kung susuwertehin si Manoy Eddie at lumusot ang Ako Bicol Partylist, tiyak na congressman na ang kanyang posisyon at puwede nang mag-retire sa showbiz.
Markadung-markado pa rin si Eddie sa mga viewers ng Ang Probinsyano. Ito kaya ang dahilan kaya siya ang kinuhang number one nominee ng Ako Bicol?





Comments