top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Aabot ng P3.5 billion | MGA ANAK NI KHASHOGGI, BABAYARAN NG SAUDI GOV’T.

Jersey Sanchez
Apr 5, 2019
1 min read

MAKAKUKUHA na hanggang $70 million o P3.5 billion ang mga anak ng Saudi Arabia journalist na si Jamal Khashoggi.

Ito ay itinuturing bilang “blood money” matapos ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso ng journalist.

Ayon sa ilang opisyal ng Saudi Arabia, nauna nang nabigyan ang apat na anak nito ng $4 million o mahigit P200 million.

Bukod pa sa nasabing bahay, nabigyan din ang mga ito ng tig-$267,000 at makatatanggap ng $10,000 hanggang $15,000 kada buwan.

Ang nasabing pabahay at bayad ay aprubado umano ni King Salman Abdulaziz Al Saud.

Matatandaang, pinatay si Khashoggi na kilalang kritiko ni Saudi Crown Prince Mohammed bin Salman noong Oktubre 2018 habang ito ay nasa loob ng Konsulada ng Saudi sa Istanbul.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page