top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

‘State of emergency’ kasabay ng El Niño, aprubahan na

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 5, 2019
1 min read

BUMABA na ang presyo ng bigas.

Ayon sa ulat, umabot na hanggang P5 ang tapyas sa kada kilo ng bigas sa ilang palengke, partikular sa Metro Manila.

Nasa P35 na ang kilo ng lokal na regular milled rice mula P38 habang nasa P40 hanggang P44 ang lokal na well-milled rice mula sa dating P42 hanggang P46.

Ang kada kilo naman ng lokal na premium grade rice ay nasa P46 hanggang P47 mula P47 hanggang P48 habang P47 na lang ang impor­ted premium grade rice mula P48.

Nasa P47 hanggang P60 naman ang kada kilo ng special rice mula sa dating P50 hanggang P65.

Samantala, wala namang paggalaw sa presyo ng NFA rice na P27.

Agad namang nilinaw na ang pagbaba ng presyo ay dahil umano sa panahon ng anihan at hindi sa Rice Tariffication Law.

Gayunman, nagbabadya pa rin ang pagtaas ng presyo ng bigas dahil naman sa epekto sa agrikultura ng El Niño.

Ito ang isa sa mga senaryo na dapat napaghandaan na ng gobyerno dahil taun-taon namang nangyayari ito.

Panahon na rin para magdeklara ng ‘state of emergency’ sa mga lugar na apektado ng El Niño.

Ito ay para makapaghatid agad ng tulong ang gobyerno sa mga magsasaka at kanilang mga pamilya na nasira ang mga pananim.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page