Unkabogable Star, kilig na kilig pa rin… VICE, TANGGAP NA ANG 3-YEAR OLD NA ANAK NI ION
- BULGAR

- Apr 4, 2019
- 3 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

MAY nadikit lang na guy sa Unkabogable Star na si Vice Ganda ay agad nang nahuhusgahan ang mahusay na comedian-host. Sinasabi nilang jowa niya ang mga lalaking nadidikit sa kanya.
Pero sa maniwala kayo o hindi, ‘di lahat ng mga lalaking nauugnay sa It’s Showtime host ay nagiging jowa niya.
Masasabing blessed si Vice sa mga material na bagay, pero pagdating sa love life ay sirang-sira siya.
May nasagap kaming walong guys na na-link kay Vice magmula nang mag-start siya sa showbiz hanggang ngayon. Ang mga ito ay pawang celebrities sa kani-kanilang larangan.
Nu’ng 2011, na-link sa kanya ang aktor na si Jon Avila. Pero, ayon kay Vice, hindi sila naging mag-on ni Jon, magkaibigan lang sila.
Ani Vice, “Hindi kami mag-on, magbarkada na kami noon pa. Love life niya at love life ko, alam namin pareho.”
Maging ang UAAP basketball player na si RR Garcia ay iniugnay sa Unkabogable Star nu’ng 2012 na pinabulaanan naman niya. Sinabi niyang close friends lang din sila.
Ang mas naging maingay na na-link kay Vice nu’ng 2014 ay si Terrence Romeo na isa ring UAAP basketball player at napasok sa PBA ngayon dahil sa husay maglaro.
Kapag natatanong si Vice hinggil kay Terrence, no confirmation nor denial mula sa It’s Showtime host.
Pero si Romeo, deny-to-death na nagkaroon sila ng relasyon ni Vice. Sinabi pa nga ng cager sa isang interbyu na isa raw multo ‘yun sa imahe niya na gusto na niyang mabura.
Nandiyan din ang G-Force dancer na si Jan Stephen Noval na ayon kay Vice ay barkada lang niya. Kumalat ang isyu sa dalawa nang makunan sila ng picture.
Pumasok din ang pangalan ng PBA cager na si Kevin Alas na pinabulaanan din ni Vice. Kumalat ang isyu sa kanilang dalawa nang tanungin siya ng anak ni Kris Aquino na si Bimby kung boyfriend ba niya si Kevin. Na-misunderstood lang daw ang samahan nila, sambit ni Vice.
Naugnay din si Vice sa isang Chinese male model at winner ng isang male pageant. Inakusahang nakikipag-date raw si Vice sa male model.
“Nothing between us,” sambit naman ni Vice.
Ang PBA cager na si Calvin Abueva ay na-link din kay Vice last year. Walang pag-amin o denial mula sa Unkabogable Star, pero masaya raw siya.
Sinabi naman ni Calvin sa isang interbyu na true friend ang turing niya kay Vice. “Hindi siya iba sa akin,” sambit pa ng basketball player na ikinataba noon ng puso ni Vice. Pero, sa hindi malamang kadahilanan ay parang nag-part ways ang dalawa nang pumasok ang 2019.
Ang pinaka-latest ay ang Kuya Escort ng It’s Showtime na si Ion Perez. Kinumpirma umano ang relasyon ng dalawa sa programa ni Vice na Gandang Gabi Vice.
Katunayan, may balita ring ipinakilala na ni Vice sa kanyang ina at mga kapatid si Ion. Si Ion naman ay in-open-up kay Vice na meron na siyang three-year-old son, pero hindi umano nakatira sa kanya ang bata.
Sa KapareWho segment ng It’s Showtime nu’ng Tuesday, kilig-to-death naman si Vice nang sabihin ni Ion na “Vice Ganda lover” ang title niya.
May isang studio audience kasi na ipinakilala ni Karylle bilang kapitbahay niya at Mr. International Thailand daw ito, kaya sabi ni Vice, si Ion ay may title rin naman.
At du’n nga sinabi ni Kuya Escort na “Vice Ganda lover” siya.
Dasal ng mga netizens, “Sana, makita na ni Vice ang tunay na pagmamahal sa katauhan ni Ion.”





Comments