top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Para 'di raw unfair sa lahat… SIGAW NI POLO: MGA ARTISTANG ADIK, PANGALANAN NA!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 4, 2019
2 min read

Mainit na topic ngayon ang tungkol sa diumano’y 31 artistang (o baka umabot pa nga raw sa 100) na­sa narco-list ng PDEA. Pero, ayaw pa ring pa­ngalanan ni PNP Chief Oscar Albayalde ang mga ito hangga’t ‘di pa kumpirmado ang mga nasabing celebrities na sangkot sa paggamit ng illegal na droga.

Kaya naman naitanong sa aktor na si Polo Ravales kung sa palagay niya’y dapat nang panga­lanan ang mga kapwa niya artistang pinaghihina­laang dawit umano sa droga.

“Oo,” agad nitong sagot. “For me, mas okay na pangalanan just to be fair.

“Kung politicians at pulis, pinapangalanan, bakit hindi ang mga artista?” katwiran niya.

Patuloy pa niya, “Ako kasi, drug-free talaga ako. Kahit noong bata ako, hindi ako gumagamit ng illegal drugs.”

Personally, may mga kilala ba siyang kapwa-artista na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot at inalok siya?

“Meron, pero tinanggihan ko. Sabi ko, hindi ko kaya. Baka hindi kaya ng katawan ko.

“Kayo ba, may kilala sa 31 celebrities? Baka puwede n’yong sabihin?” pagtukoy niya sa bilang ng mga artistang nasa drug list ng PDEA.

Sa isang banda, naitanong din kay Polo ang tungkol sa video scandal controversies ng ilang showbiz personalities na sangkot sa mga malalaswang kagana­pan, na ang latest nga ay ang sex video ni Jim Paredes ng Apo Hiking Society.

Pero para kay Polo, ang mga celebrities na involved ang dapat sisihin.

“Sa akin, hindi nila ginusto ‘yun na lumabas, pero kahit papaano, meron...

“Ginawa n’yo ‘yun, nag-video ka, posible talagang lumabas ‘yun.

“Kapag nag-video ka, fifty percent, i-expect mo na lalabas,” katwiran ni Polo nang makausap siya sa premiere night ng Portrait of My Love sa Cinema 6 ng SM North Edsa last April 2.

Paano kung naging too trusting lang ang mga biktima ng leaked video scandals?

“Hindi ako naniniwala,” mabilis na sagot ni Polo.

“Kahit nga sa mag-asawa, kapag naghiwalay, puwedeng gamitin ang video para makabawi, para masira ‘yung tao.

“No, wala akong sympathy sa kanila. None. You should be really responsible. Nag-video ka, eh.”

Siguradung-sigurado raw si Polo na hindi siya masasangkot sa mga video scandals.

“Wala akong ganu’n. Kung meron, eh, di sana, lumabas na, ‘di ba? Maingat ako.

“Sa tingin n’yo, kapag nagkaroon ako ng sex video, maraming manonood?” pabiro pang tanong nito.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page