Malinaw ayon sa birthday... BABAENG NAKATAKDANG MAHALIN NG MISTER, HABAMBUHAY
- BULGAR

- Apr 4, 2019
- 1 min read
Dear Maestro,
Nasa abroad ang mister ko ngayon at halos apat na taon na siyang nagpapabalik-balik du’n. May ibang babae kaya siya ru’n?
Kasi ngayon ay bihira ng tumawag at mag-text sa akin ang mister ko.
Gusto ko sanang makatiyak kung may babae o wala ang mister ko sa abroad?
January 16, 1978 ang birthday ng mister ko habang July 2, 1980 naman ako.
Umaasa,
Danah ng Sto. Cristo,
Pulilan, Bulacan
Dear Danah,
Ayon sa birthday ng mister mo na January 16, 1978, sinasabing hindi magagawang mambabae ng mister mo na kasalukuyang nasa ibang bansa dahil bihira lang naman sa mga may birth date ng 16 ang nambababae.
Dagdag pa rito, ang zodiac sign niyang Capricorn ay sadyang tugma sa zodiac sign mong Cancer, gayundin ang birth date niyang 16 o 7 (ang 16 ay 1+6=7) ay suwetung-suweto sa birth date mong 2 kung saan tulad ng nasabi na, ang numerong 16 o 7 (1+6=7) ay sadyang tugma sa birth date mong 2.
Ibig sabihin, kahit na bihira o madalang mag-text at tumawag ngayon ang mister mo na nasa abroad, wala kang dapat alalahanin, baka busy lang siya sa trabaho, sa halip, tiyak at nakatakda naman talaga ang magaganap, anuman ang mangyari sa kanya sa ibayong-dagat, hindi masisira ang inyong maligayang samahan at umasa kang mananatiling buo at maligaya ang inyong pamilya, habambuhay.




Comments