Magpinsan nalunod sa ilog
NORTH COTABATO—Namatay ang magpinsan nang malunod habang naliligo, kamakalawa sa ilog na sakop ng Bgy. Pentil, Aleosan sa lalawigang ito.
Nakilala ang mga biktima na sina Jerald Quedores at Loida Calibayan, kapwa 16-anyos at parehong residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang naliligo ay biglang tinangay ng malakas na agos sa ilog ang magpinsan kaya pareho silang nalunod.
Sinikap pa ng mga residente na iligtas sina Quedores at Calibayan, pero patay na sila nang maiahon sa ilog.





Comments