Lalaki nahulog sa St. Paul Cathedral, patay
Jersey Sanchez
Apr 4, 2019
1 min read
PATAY ang menor-de-edad na lalaki makaraang mahulog sa Whispering Gallery sa St. Paul Cathedral.
Batay sa imbestigasyon ng City of London Police, nahulog mula sa mataas na bahagi ng cathedral ang hindi pinangalanang biktima.
Nabatid na may taas na 30 meters o 98 feet ang naturang gallery kung saan kailangang umakyat ng 257 steps na hagdan para marating ito.
Matatandaang, may nasawi rin noong 2017 sa parehong gusali.





Comments