Jim, durog na durog sa sex video scandal… “I DON’T KNOW KUNG PAANO SIYA MAKAKA-RECOVER DITO" —


Ikinalungkot ni Gary Valenciano ang kontrobersiyang kinasangkutan ng kapwa-mang-aawit at isa ring icon sa music industry na si Jim Paredes ng APO Hiking Society.
“As an OPM singer, siyempre, malungkot ako sa nangyari sa kanya. But kung walang mga katulad ko ngayon na can tell him that ‘I’m still here for you and your family,’ sino pa?” pahayag ni Gary V. kahapon sa presscon para sa US Tour niya ngayong Abril.
Matatandaang kumalat ang sex video scandal ni Jim last April 1 na talaga namang pinagpistahan ng mga netizens. Naglabas naman ang singer sa kanyang blog ng official statement at inaming totoo ang kanyang sex video kasabay ng paghingi ng paumanhin sa nagawang pagkakamali.
“Kung ‘yan ang mangyari sa akin, I would love to even have just one person who’d be able to come up to me and say, ‘You know what? Let’s go through this together,’” patuloy pa ni Gary.
“I don’t know kung paano siya makaka-recover dito, but those are the things na hard realizations. But I know that with me kasi, if God has given me chances before, what can’t I do the same for somebody like Jim Paredes who has touched many lives with the songs that he has written also. But he is not perfect,” he said.
When asked kung na-shocked ba siya nang unang lumabas ang video, aniya, lahat naman siguro ay na-shocked, pero hindi na raw niya pinanood.
Ayon pa kay Gary, gusto niyang makita si Jim at bigyan ng mahigpit na yakap.
“I would like to sit with him and just talk to him, maybe give him a hug and not only him but his family as well.”
Hindi pa lang daw niya nakakausap ang singer.
“I know he needs time on his own. It’s something na medyo mahirap harapin. I know many people (are putting him down), pero ako, dahil alam ko rin ang mga pagkakamali ko sa buhay at nabigyan ako ng pagkakataon din na mag-apologize, I’ve been forgiven for many things also, so I put myself on that situation. I’m choosing to be there not just for him, kasi marami ang nagsasabi na ‘Kawawa naman ‘yung misis niya.’ I know, that’s why I just wanna be there for them, not just for him.”
Samantala, sa wakas ay tapos na ang mahabang paghihintay sapagkat binubuksan ni Gary ang ikalawang quarter ng 2019 sa pamamagitan ng kanyang grand comeback sa international concert scene sa kanyang nalalapit na pinakahihintay na North American tour, na magaganap ngayong Abril, at ito ay pagdiriwang ng kanyang ika-35 na anibersaryo.
Kasama ang award-winning na musikerong si Mon Faustino bilang musical director at ang kanyang mga espesyal na panauhin na sina Fearless Diva Jona at Suklay Diva Katrina Velarde, karapat-dapat banggitin na ito ang kauna-unahang international concert series ni Gary matapos ang kanyang open heart surgery at matagumpay na laban sa kidney cancer nu’ng nakaraang taon, na itinuturing na isa sa pinaka-challenging na yugto sa kanyang buhay.
Ngayong nasa tiptop condition na muli si Gary at opisyal siyang binigyan ng mga doktor ng clean bill of health, muli na namang iko-conquer ni Gary ang Amerika sa series na ito na pinamagatang He’s Back: Gary V. US Tour.
Ang unang leg ng tour ay mangyayari sa Abril 12 sa Sam’s Town Hotel & Casino sa Las Vegas at susundan ito ng mga shows sa The Town Hall sa New York City sa Abril 14; sa Creative Arts Building Pittsburg High School sa Pittsburg, California sa Abril 20; sa Saban Theater sa Los Angeles sa Abril 21; sa Snoqualmie Casino sa Seattle sa Abril 26; at matatapos ito sa Morongo Casino, Resort, and Spa sa Morongo sa Abril 28.
“I’m very excited to go back. I’m very excited to go back to the US and perform for everyone there,” maligayang sabi ni Gary V..
“Kasama ko ang dalawang very talented young divas – na sina Jona at Katrina, and I’m hoping that the people in the States will have fun and fall in love with the show that we have prepared for them.”





Comments