For the first time, ibang lalaki ang kasama… KATHRYN, INI-ENJOY ANG HIWALAYAN NILA NI DANIEL


BILIB kami sa Pambansang Bae na si Alden Richards for the sacrifices he had to go through para lamang sa pelikulang pagtatambalan nila ni Kathryn Bernardo.
Nu’ng una raw siyang in-approach ng Star Cinema for a possibility of doing a film with Kathryn, he readily agreed. But of course, kinailangan niyang kausaping mabuti ang GMA-7 para rito.
Kinailangan niyang mag-aral ng Cantonese at magpapayat para sa role na gagampanan niya sa naturang pelikula to be directed by no less than Cathy Garcia-Molina. He has to look like a real resident of Hong Kong.
Paano na kaya ‘yan kung sakaling pumatok ang naturang film which we think is possible granting na parehong bankable stars ng kanilang respective network ang dalawang artistang ito?
We can already foresee a box office film in the making. Ang ‘di lang namin masabi ay kung kayang itaob ng Kathryn-Alden movie ang kinita ng The How’s of Us nina Kath at Daniel. That’s remain to be seen.
At kung kagatin nga ang tambalang Alden-Kathryn, tuluyan na kayang mabubuwag ang KathNiel at AlDub?
Saan na kaya pupulutin sina Daniel Padilla at Maine Mendoza kung ganu’n? Puwede rin silang pagtambalin. Pero would the possible pairing click among respective fans of the duo?
Si Kathryn on the other hand seems to be very happy sa temporary freedom na na-experience niya sa ka-love team na si DJ.
Of course, sa pamamagitan ng pagpapareha niya kay Alden, she will be able to prove na she can be on her own as an actress without Daniel. ‘Di ba ito naman ang pangarap ng mga artista, ang makilala sila bilang bankable star minus their onscreen partner?
Kaya lang, ‘di kaya bad omen na ito ng tuluyang pagkabuwag ng love team nila ni DJ on and offscreen? ‘Di ba, sa tunay na buhay, maraming love teams naman talaga ang hanggang pelikula lamang at hindi nagkakatuluyan? Sample na lang ay ang Vi and Bot, at ang Guy and Pip, ‘di ba?
Trivia lang tungkol kay Alden. Is it true na ang next project niya ay makapagpatayo ng simbahan para lalo siyang mapalapit sa Diyos?
‘Di ba naging project na rin ito ni Ai Ai delas Alas one time?





Comments