top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Especially ‘yung mga hindi organic, sis! PAGLALAGAY NG MAKE-UP, NAKAKATABA!

  • Donna Thea Topacio
  • Apr 4, 2019
  • 1 min read

IILAN na lang sa mga babae ang hindi naglalagay ng kolorete sa mukha, kum­baga, lifestyle na nila ito at wala ng ma­kapagbabago nu’n, lalo na ngayong napa­karaming bagong naiimbento na patok talaga para sa lahat. ‘Yun nga lang, alam ba ninyo na may kemikal sa make-up ang nakapagpapataba? Hala!

Ayon sa mga eksperto, ang non-organic make-up brands ay kadalasang nagko-contain ng substances na hindi mainam para sa kalusugan.

Sa katunayan, may isang kemikal na pinaniniwala­ang tinataglay nito na hindi maganda. Ito ay tinawag na phthalates kung saan natuklasang inilalagay din ito sa mga panlinis at body lotion.

Sa pag-aaral, ang mga researcher mula sa Mount Sinai Medical Centre sa New York ay nagsagawa ng pag-a­aral tungkol sa naging epekto ng nasabing kemikal sa buhay ng mga bata kung saan naaapektuhan ang kanilang urine at pagiging obese.

Bagama’t, kaunti pa lamang ang ebidensiya hinggil sa pag-aaral, naniniwala at naninindigan ang ilang da­lubhasa na may epekto ito sa pagiging mataba ng kaba­baihan.

Kaya ang payo ng mga eksperto sa mga beshy natin diyan na masyado ng nasosobrahan sa paglalagay ng make-up, hinay-hinay lang kung ayaw ninyong masob­rahan sa katabaan. He-he-he!

Gayunman, kung dehins talaga maiwasan ang pag­lalagay nito, make sure na gagamit kayo ng organic, pero hold tight dahil mas mahal ito sa pangkaraniwan.

Kaya mga beshy, walang masama sa pagme-make-up, pero kung nakasasama na ito sa inyong kalusugan, mainam na matuto kayong limitahan ito.

Have a beautiful and healthy lifestyle, mga beshy!

Okidoki?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page