top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

'Di na din siya inosente, 'no! BYUTING YOUNG ACTRESS NA TODO-PASEKSI, SINAGAD NG BF NA AKTO

  • Erlinda Rapadas
  • Apr 4, 2019
  • 1 min read

BLIND ITEM:

ARAMI ang nakapansin sa malaking ipinagbago sa hitsura ng magandang young actress. Nawala na ang kanyang dating innocent and sweet look. Mukhang napadali ang kanyang pagma-mature at naging super-daring na sa mga pinaggagagawa sa kanyang personal na buhay.

Masyado rin siyang liberated sa aspeto ng pakikipagrelasyon. Nahawa na siya sa ugali ng kanyang BF na lu­ma­ki sa ibang bansa at hindi Pinoy ang upbringing.

Sa latest movie na nilabasan ng young actress kapareha ang isang young looking actor, kapansin-pansin ang hitsura ng daring young actress na mukhang natuyot na at hindi na katulad ng dati na fresh na fresh.

Ang sabi tuloy ng ilang netizens, sumobra raw siguro sa romansa ang young actress kaya ganu’n ang hitsura niya. Dapat ay maging aware ang daring na young actress sa kanyang imahe sa publiko. Unti-unti nang nawawala ang kanyang star factor. Baka sa susunod, eh, mother role na ang ibigay sa kanya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page