CLARKSON, DI PAPAYAGAN NG NBA SA GILAS? BEERMEN TAMPOK SA NBS CAMP & PLAY


MATAPOS na magwagi ang pa-playoff ng team na Los Angeles Clippers laban sa Cleveland Cavaliers, 132-108 sa Staples Center, nakausap ng media si Fil-Am Jordan Clarkson sa locker room.
Isa sa naging tanong ng reporters na mula sa iba’t ibang media ng Pilipinas ay ang pagdududa kung lalaro pa ba siya sa Gilas Pilipinas sa nalalapit na FIBA World Cup sa summer season sa China. “I’m not sure yet. Stay tuned,” sagot ni Clarkson.
Sa ngayon, pokus muna ang Fil-Am cager sa training bilang bagong miyembro ng Cleveland Cavaliers, sa trabaho na mas lalong pinahuhusay niya ngayong season.
Samantala, itinatag noong 1998 ni Dayong Mendoza ang Camp & Play na may dedikasyong turuan ang boys and girls ng espesipikong training sa basketball. Ang 2019 season ay sisimulan sa Abril 8 sa bagong bukas na Crimson Hawks Gym sa NBS College.
Ang Camp & Play activities ay kinapapalooban ng instruction sa point guard skills, shooting forward drills at post moves. Higit sa lahat ang campers ay tuturuan ng agility, speed at jump mechanics upang mas maging mahusay na player.
Ang team concepts at team competition ay kasama sa 8-day session program.
Sinabi ni 19-year Professional Coach Mendoza ng PBA Champions San Miguel Beermen coaching staff na ang bagong tahanan ng Camp & Play ay sa National Bookstore sa Quezon Avenue, Quezon City na magsisimula ng 2 p.m. - 5 p.m. May tsansa rin ang campers na makasalamuha ang San Miguel team. Ang training days ay sa Abril 8, 10, 12, 15, 16, 17, 22 at 24. (MC / ATD)





Comments