ONE FOR HONOR SA JAKARTA, LEGENDARY SAM-A VS. HAGGERTY
- MC/Alvin Olivar
- Apr 3, 2019
- 1 min read

NAKATAKDA muli sa Mayo 3 ang pagbabalik ng ONE Championship™ ang One for Honor sa Mayo 3 na idaraos sa Istora Senayan sa Jakarta, Indonesia.
Ang pinakamahuhusay na world-class martial arts talent ay daragundong sa ONE Championship ring upang ipamalas ang kanilang nakagugulat na galing sa MMA fighting.
Sa main event, dedepensahan ni ONE Flyweight Muay Thai World Champion Sam-A Gaiyanghadao ng Thailand ang titulo laban kay Jonathan Haggerty ng United Kingdom. Handa namang makipagbakbakan si ONE Flyweight Muay Thai World Champion Gaiyanghadao at ipagtanggol ang kanyang World Title kontra Haggerty.
Sa loob ng makulay na 25-year career at nakasabak na sa may 400 laban, ‘di na rin mabilang ni multiple-time Muay Thai World Champion Sam-A ang kanyang mga korona sa iba’t ibang weight classes, kilala siya bilang pinakamahusay na Muay Thai kickboxers sa lahat ng panahon.
Isinilang siya na ang ama ay isang magsasaka sa Buriram, probinsiya ng Hilagang Silangan ng Thailand. Sinimulan ni Sam-A ang Muay Thai career sa batang edad na 9. Kinse anyos siya nang mapadpad sa Bangkok at nagsimula ng seryosong training sa Petchyindee Muay Thai Academy bago sumabak sa debut fight ng prestihiyosong Rajadamnern at Lumpinee stadiums. Ang kanyang sipag at dedikasyon ay nagbunga dahil isa na siya ngayong buhay na alamat.
Ang challenger na si Haggerty ay isa ring matagumpay na martial artist sa kabila ng kanyang kabataan. Nagsimula siyang mag-training ng Muay Thai sa edad 7 sa ilalim ng gabay ng kanyang ama na si John na isa ring aktibong competitor.





Comments