NPA dedbol sa engkuwentro
SORSOGON—Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng mga rebelde at tropa ng pamahalaan, kamakalawa sa Bgy. Lajong, Juban sa lalawigang ito.
Ang napatay ay kinilalang si Michael Esmer, miyembro ng NPA na nakabase sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, nagpapatrulya ang mga awtoridad nang makasalubong ang mga rebelde at dito naganap ang engkuwentro na nagresulta para mapatay si Esmer
Tinutugis na ngayon ng tropa ng pamahalaan ang iba pang rebelde na tumakas matapos mapatay ng mga awtoridad si Esmer.





Comments