Matapos ang malawakang blackout | WATER SHORTAGE NARARANASAN SA VENEZUELA
MILYUN-MILYONG residente ng Venezuela ang walang suplay ng tubig kasunod ng malawakang blackout.
Dahil sa lumalalang krisis sa ekonomiya ng bansa, nagdeklara si Venezuelan President Nicolas Maduro ng 30 araw na power rationing at pagsasara ng mga paaralan.
Matatandaang, unang isinisi ng pamahalaan ni Maduro ang pananabotahe sa kanyang pamumuno ang power outages mula noong Marso.
Gayunman, dahil sa power outages at water crisis, maraming residente ang nagprotesta sa Caracas.
Naapektuhan ang suplay ng tubig dahil hindi gumana ang pumping stations dahil sa kawalan ng kuryente, gayundin ang traffic lights, street lights, pump at fuel stations at network services.
Samantala, nagtitiyaga ang mga residente na makakuha ng tubig mula sa mga gutter, spring water tank, tanker at sa Guiare River.





Comments