MANILA VS. SAN JUAN, NAITAKDA SA MPBL NORTHERN DIVISION FINAL

FAMILY feud kung tawagin ang finals ng MPBL northern division.
Nangyari ito matapos na manaig ang Manila Stars sa home team Bataan Risers, 56-51 at maitakda ang best-of-three showdown kontra San Juan Knights.
Nahirapan man sa lakas ng depensa ng Risers, sumabog ang ningning ng Stars mula sa tikas nina Reil Cervantes na nagpakawala ng 18 sa kanyang 20 points sa second half, nasundan ng dalawang tres sa huling dalawang minutong marka upang iangat ang Manila tungo sa final series kontra Bataan, ang top seed team sa torneo.
Bumasket si Cervantes ng dalawang tres, una sa 2:34 minutong marka na nagbigay sa Stars ng 51-45 lead hanggang sa nalalabing 1:09 minuto para lumamang pa ang Manila, 54-47, at praktikal na nanaig sa Risers. “Nakakuha lang ako ng momentum kaya mas nagkaroon ako ng kumpiyansang tumira,” ayon kay Cervantes.
Tulad ng inaasahan, parehong naghabol sa shooting ang teams tulad ng iba pang laro sa People’s Center ng Bataan.
Nagawa pa rin ng Manila na manaig sa kabila ng tanging 50-percent na shooting sa foul line (12-of-24) habang ang Bataan ay may 37-percent (10-of-27). Naniniwala si Head coach Philip Cezar ng Manila na ang kanyang team ay nagwagi dahil sa ekstrang sipag sa depensa.
“Yung pressure defense namin sa backcourt and ‘yung extra effort namin sa rebound, malaking bagay ‘yun,” dagdag niya.
Sumunggab si Marvin Hayes ng 16 rebounds, kabilang na ang 8 na opensiba sa huli nang pamunuan ang Stars at magkaroon ng ikalawang tsansa para sa puntos. Ang Manila ay may 19 na chance points, may 11 na nakahigit sa karibal.





Comments