top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Malinaw ayon sa palad... BABAENG NAKATAKDANG MAGING KERIDA HABAMBUHAY KUNG IPAGPAPATULOY ANG MALING

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 3, 2019
3 min read

KATANUNGAN

  1. Nagkakilala kami ng boyfriend ko mahigit 4 years na at ang alam ko ay hiwalay siya sa asawa niya. Pero, matagal na kami nang malaman kong hindi pala sila hiwalay. Naglihim siya sa akin at dahil mahal ko siya ay wala na akong nagawa.

  2. Kami na ba ang para sa isa’t isa at siya na kaya ang itinakda para sa akin dahil kung sila pa rin ng asawa niya, tatanggapin ko nang maluwag sa dib­dib kung saan siya masaya ay masaya na rin ako?

  3. Naisipan kong su­mangguni sa inyo upang ita­nong kung ang mag-asawa ba na nagkahi­wa­lay ay parehong hindi ma­ganda ang Marriage Line, magkakahiwalay ba ang mag-asawa? Puwede rin ba ‘yung ganito, “ka­hit parehong maayos ang Mar­­riage Line nilang mag-asawa, pero dahil mara­ming nanggugulo o nakai­impluwensiyang tao sa ka­nilang relasyon ay magka­kahiwalay pa rin ba sila?”

KASAGUTAN

1. Alam mo kung sina­sabi ng boyfriend mo na hi­walay siya sa kanyang asa­wa at pagkatapos ay nakita mong kapwa maganda ang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan niyang palad at nag­­kataong maganda rin ang kanyang Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.), hindi nabiyak, naputol o nasira, ang ibig sabihin nito, maaaring hindi siya nagsa­sabi ng totoo sa iyo. Sapag­kat ang ibig sabihin ng ma­gandang Heart Line (arrow b.) at magandang Marriage Line (arrow a.) sa kaliwa at kanang palad ay patunay ng maayos, masaya at success­ful na family life.

2. Ngayon, huwag mo ng intindihin kung ano ang Marriage Line o Heart Line sa guhit ng palad ng misis niya dahil ang totoo, kani-kanya ‘yan ng dina­dala at alalahanin sa bu­hay.

Ma­aaring pangit ang Mar­riage Line ng kan­yang asawa da­hil hirap na hirap na siya sa kabubu­hat o kadadala ng mga prob­lema nila sa pa­milya, kaya pumangit ang Mar­riage Line at Heart Line niya ay dahil sa dami ng prob­lema at alalahanin niya sa bu­hay, saman­ta­lang, ito na­mang asawa niya na pa-easy-easy lang o easy-go-lucky ang estilo ng pa­mu­mu­hay na parang buhay- binata ay pinagkalooban ng magan­dang Marriage Line at Heart Line dahil ang totoo, pu­wedeng sabihing hindi na­man niya iniinda ang prob­­­lema sa kanyang pa­milya, sa halip ay nag­pa­pa­kaligaya at nag-e-enjoy pa rin siya sa kan­yang buhay ngayon.

3.Ganu’n ‘yun! Kani-kanya tayo ng guhit ng pa­lad. Gayundin ng tadhana at kapalarang pinapasan. Dag­dag pa rito, iba ang pag-ap­preciate mo sa sitwasyon o pangyayaring nagaganap sa iyo at maaaring kahit pare­ho ang sitwasyon at pang­yayari sa ating buhay ay iba naman ang pag-appreciate natin sa bawat pangyaya­ring nagaganap.

4. Sa mas klarong pali­wanag, halimbawa, nama­tay ang alaga mong aso at isang linggo kang umiyak habang alaga ko rin naman ang nasabing aso, pero isang araw lang ako umi­yak at ini­li­bing ko na siya kaagad.

5. Pareho nating aso ang namatay, ang problema da­hil magkaiba tayo ng guhit ng palad, masyado kang sen­timental habang ako naman ay hindi, bagkus, praktikal ang porma ng aking Head Line.

6. Kaya hindi mo ma­ikukumpara ang iyong palad sa iba’t ibang tao dahil may kani-kanyang guhit ‘yan.

7. Ngayon kung ganu’n nga ang nangyayari, hindi naman hiwalay ang boy­friend mo sa kanyang asawa, bagkus, nananatiling buo ang kanilang pamilya, ngu­nit, ipinipikit mo ang iyong mga mata sa katotohanan, huwag mo ng intindihin ang guhit ng kanyang palad, sa halip, ang pag-aralan at in­tin­dihin mo ay ang sarili mong palad.

8. Kung saan kung wala kang makitang maganda at matinong Marriage Line (1-M arrow a.) sa kaliwa at ka­nan mong palad at magulo rin o hindi maganda ang Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad at pag­katapos ay may guhit ka pa ng Influence Line na tinata­wag din nating Guhit ng Immoral na Relasyon (I-I arrow d.) sa kaliwa at ka­nan mong palad, ito ay ka­sigu­raduhan tama ang si­nasabi, “ngayon pa lang, tanggapin mo na ang na­katakda mong kapalaran, ang maging ke­rida, ha­bambuhay”.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Tunay ngang masa­rap umibig at magmahal dahil ang totoo nito, ang nasabing pag-ibig ay sad­yang nakala­la­sing at minsan ay nakaba­baliw talaga.

  2. Gayunman, minsan dapat tayong gumising sa nagdudumilat na katotoha­nan na ang maling pag-ibig at pakikipagrelasyon sa ban­dang huli ay sa pagsisisi at kalungkutan din mauuwi, kaya wala kang dapat ga­win ngayon, Merly, kundi waka­san mo na ito upang sa susunod na taong 2020 ay makalaya ka na at mag­ka­roon ng direksiyon ang iyong buhay sa bago at mas ma­aliwalas na landas ng kaliga­yahan (arrow a.).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page