top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

LAGLAGAN NA SA Q’FINALS ANG 3 NALALABING TEAM SA ELIMS

  • Clyde Mariano
  • Apr 3, 2019
  • 2 min read

PUNTIRYA ng NLEX Road Warriors, Magnolia Hotshots at NorthPort Ba­tang Pier ang dalawa sa tatlong natitirang quarterfinal sa huling playing day sa elimination ng PBA Philippine Cup ngayon sa Araneta Coliseum.

Maghaharap ang Road Warriors at Hotshots sa unang laro ng 4:30 p.m. at lalabanan ng Batang Pier ang kuwalipikado nang Barangay Ginebra sa main game ng 7 p.m. Determinado ang NLEX, Magnolia at North­Port na manalo at makaiwas na malaglag sa playoff na resesolbahin sa pamama­gitan ng quotient system.

Hawak ng Magnolia ang kartadang 5-5 at ang NLEX at NorthPort ay dala ang 4-6 records.

Kung mananalo ang Magnolia ay awto­matiko nang sasampa sa pang-anim ng quarterfinal slot at kung papalarin ang NorthPort ay mapapasa kanila ang pang-pitong puwesto at ang NLEX ay babagsak sa kartadang 4-7 kasosyo ang Alaska at Columbian Dyip.

Sa kabilang scenario, kung manalo ang NLEX ay tatabla sa Magnolia at kung matalo ang NorthPort sa Barangay Ginebra ay tatabla sa Alaska at Columbian. Galing sa dalawang sunod na panalo ang NorthPort sa TNT at Alaska kaya tiyak gagamitin ni coach Pido Jarencio bilang jumping board sa pagharap nila sa Barangay Ginebra ang motto na maglalaro o ‘nothing to lose but prestige’.

Ang NLEX at Magnolia ay parehong natalo sa huli nilang laro at tiyak magpa­patayan ang Road Warriors at Hotshots para manalo. Ang mga quarterfinalists ay Phoenix (9-2), Rain or Shine (8-3), Barangay Ginebra (7-3), Talk ‘N Text at defending champion San Miguel Beer na tabla sa 7-4 cards.

Ang Phoenix at RoS ay may twice-to-beat advantage at kailangang manalo nang isa para makapasok sa semifinals na mag-uumpisa mata­pos ang All Stars na ginawa sa Calasiao, Panga­sinan. Nasibak ang Meralco at Blackwater kaya maghi­hintay ang Bolts at Elite sa susunod na conference u­pang ipagpatuloy ang ka­nilang title campaign.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page