top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

800 kilong cocaine, sinira sa Sri Lanka

Jersey Sanchez
Apr 3, 2019
1 min read

SINIRA ang 800 kilong cocaine sa Sri Lanka na pinangunahan ni President Maithripala Sirisena.

Nakuha ang mga droga sa apat na drug operations mula June 2016 hanggang June 2018.

Ayon sa pangulo, mahigpit nilang ipatutupad ang anti-drug operations sa bansa.

Plano rin aniya na bumili ng makabagong teknolohiya para agad maaresto ang mga nagpupuslit ng iligal na droga sa bansa.

Gayunman, tiniyak ng pangulo na pipirmahan niya ang batas sa pagpapatupad ng parusang bitay subalit, para ito sa mga ilang ulit na naaresto sa pagbebenta ng iligal na droga.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page