30 bumbero, patay sa sunog
PATAY ang 30 bumbero habang inaapula ang malaking forest fire sa Sichuan Province sa China.
Ayon sa emergency ministry ng bansa, sumiklab ang sunog sa kabundukan ng Sichuan noong Sabado ngunit, nagbago ang direksiyon ng hangin noong Linggo na nagresulta ng fireball dahilan para maipit ang mga bumbero.
Nawalan ng contact ang mga nasawing bumbero at nakumpirma na lamang na binawian ng buhay ang mga ito, kamakalawa.
Samantala, 700 bumbero ang sumusubok umapula sa sunog sa liblib na lugar sa Muli County sa Sichuan.





Comments