TEAM LAKAY FOLAYANG AT BELINGON, NABIGONG MAKADEPENSA NG KORONA

NABIGO sa kaniyang laban si Team Lakay Eduard Folayang makaraang talunin ni Shinya Aoki sa ONE Championship A New Era.Napatulog pa sa unang round ng Japanese fighter ang Pinoy MMA fighter sa laban na ginanap sa Ryogoku Kokugikan sa Tokyo, Japan. Nagsilbing rematch ang laban na ito dahil una silang nagharap ni Folayang at nagwagi ang Pinoy sa TKO noong 2016 title bout at ginitla niya noon si Aoki sa bisa ng 3rd round TKO at naging unang world champion. Madaliang nagapi ng Japanese grappler si Folayang sa bisa ng arm-triangle choke.
Sa iba pang laban, nabigo rin sa kaniyang kampanya si Kevin Belingon makaraang madiskuwalipika sa laban kay Bibiano Fernandes. Kumawala kay Belingon ang ONE bantamweight title sa kanyang rubber match kontra Fernandes sa isa sa co-main events ng ONE: A New Era. (MC)





Comments