top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Malinaw ayon sa birthday... LALAKING NAKATAKDANG GUMANDA ANG KAPALARAN NGAYONG TAON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 2, 2019
  • 3 min read

Dear Maestro,

Matagal na akong sumusubaybay sa inyong mga artikulo. Ako ay “taong two” dahil ipinanganak ako noong October 29, 1989. Tama ba ako, kasi po ang 29 ay 2+9=11/ 1+1=2?

Marami na rin akong nabasa sa mga artikulo ninyo tungkol sa “taong two”. Sa aking sariling ka­pa­laran, ano ang ipinahihiwatig ng numero kong two at paano ako susuwertehin at magkakaroon ng maligaya at matagumpay na buhay?

Wala pa rin akong girlfriend hanggang ngayon, kaya gusto kong malaman kung sinu-sino ang babaeng ka-compatible ko na dapat kong ligawan at mapangasawa upang magkaroon ako ng mata­gumpay at maligayang pamilya, balang-araw?

Umaasa,

Scorpio Boy ng Gulod, Novaliches, Quezon City

Dear Scorpio Boy,

Ang zodiac sign mong Scorpio ay nagsasabing, ka-compatible mo silang mga babaeng nagtataglay ng zodiac signs na Cancer, Pisces, Taurus at kapwa mo Scorpio higit lalo silang may mga birth date na 7, 16, 25, 4, 13, 22, 31, 2, 11, 20 at 29, gayundin silang nagtataglay ng strong numbers na 8, 17, 26, 1, 10, 19 at 28. Sila ang mga babaeng dapat mong ligawan at mapangasawa upang magkaroon ka ng maligaya at matagumpay na pamilya.

Upang buong lakas mo namang mahigop ang maga­gandang kapalaran, sa kabila ng katotohanang “weak number” o mahina ang numero mong 2, dapat kang makisama sa mga taong nagtataglay ng strong number tulad ng nabanggit na sa itaas, sila ang mga taong may birth date o kaya ay may mga destiny number na 8, 17, 26, 9, 18, 27, 1, 10, 19 at 28.

Ang mga taong nabanggit ang makatutulong sa iyo sa lahat ng aspeto ng buhay, lalo na kung palagi kang magdididikit at makikisama sa kanila. Habang, ang mga taong may bitbit na mga numerong 7, 16, 25, 2, 11, 20 at 29 ay mga kusa mong magiging kaibigan, ma­giging mahalagang bahagi ng iyong buhay at ma­giging shoulder-to-lean on mo kung saan sa panahong may mabigat kang problema, sila ang aagapay at tutu­long sa iyo.

Ang pinakamapalad mo namang panahon ay mula sa ika-19 ng Enero hanggang sa ika-28 ng Pebrero, mula sa ika-19 ng Hunyo hanggang sa ika-28 ng Hulyo at mula sa ika-19 ng Oktubre hanggang sa ika-28 ng Nobyembre, ang isa pa sa pinakamapalad mong pana­hon ay sa panahong nasa new moon, first quarter at full moon ang buwan sa langit.

Sa mga panahong na­banggit, kusang iigting ang mabuting kapalaran at sa mga panahon ding tinuran, magandang makipagsa­palaran o kaya ay lakarin mo ang iyong mahahalagang plano at balakin sa buhay upang magkaroon ka ng po­si­tibong resulta at masi­gurado mo ang iyong ta­gumpay.

Berde, pula at itim naman ang mapalad na kulay na dapat mong gamitin upang mas mabilis mong mahigop ang magagandang kapalaran.

Habang, ang batong to­paz o kaya ay kahit anong uri ng bato na nagtataglay ng kulay pula o berde na ipalalamuti sa gold na singsing ay magsisilbi na­mang talisman upang hindi ka tablan ng mga negati­bong pang­yayari sa iyong buhay, sa halip, ang nasa­bing hiyas ang magbibigay sa iyo ng dagdag na lakas ng loob at kakaibang su­werte habang ito ay patuloy mong isinu­suot na naka­dikit sa iyong balat.

Ayon sa Decadens ng Kapalaran, kusa namang iigting ang mabuting kapa­la­ran sa iyong buhay nga­yong 2019 at sa susunod na taong 2020, gayundin sa mga taong 2023 at 2024 at higit sa lahat sa taong 2028 hanggang 2029, sa edad mong 40 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page