top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kaya make sure na susundin ninyo ito, mga lodi! MGA BAGAY NA DAPAT GAWIN PARA MAIWASAN ANG PAGIGING

  • Ms. Rona
  • Apr 2, 2019
  • 2 min read

No Problem

Naisip mo na ba minsan sa buhay na parang hindi ka sapat at parang may kulang pa rin? Walang perpektong tao dahil lahat tayo ay may kani-kanyang kakulangan, kakayahan at talento. Kung palagi ka na lang magpa­paka-negatron sa buhay, darating ang puntong makikita mo ang sarili mong naglalakad sa dilim. Kaya narito ang mga dapat gawin para matuldukan na ang pagiging negatron:

1. HUWAG IKUMPARA ANG SARILI SA IBA. Madalas ay ikinukumpara natin ang sarili natin sa iba. Pero naisip mo na ba na ‘yung ‘lodi’ mo, eh, tumitingala rin sa iba? Kung palagi mong ikukumpara ang sarili mo sa ibang tao, paano mo makikilala ang sarili mo? Hmmm…

2. BAWASAN ANG PAGGAMIT NG SOCIAL MEDIA. Sa mundo ng social media, ang kadalasan na ipino-post ng iba ay ‘yung masasayang pangyayari lang sa buhay nila. Kung hindi naman, eh, puro self-proclaim at walang katapusang payabangan. Kung madalas kang gagamit ng social media, hindi mo maiiwasang maikumpara ang sarili mo sa iba.

3. ISIPIN MO KUNG GAANO NA KALAYO ANG NARATING MO. Kung iisipin mong malayo pa ng lalakbayin mo para ma-reach ang goal mo, mai-stress ka lang. Pero, kung ang iisipin mo ay ‘yung layo ng narating mo, makararamdam ka ng fulfillment at makikita mo ang sariling nakangiti.

4. BAGUHIN MO ANG ‘LOOKS’ AT PALIGID MO. Makagagaan sa pakiramdam kung babaguhin mo ang ‘looks’ mo. Maaaring magkulay ka ng buhok o anumang trip mo para gumanda ang awra mo. Puwede ring baguhin mo ang paligid mo tulad ng ayos ng kuwarto mo o mga nakagawian mo para malimutan mo ‘yung mga bagay na nakapagpapalungkot sa’yo. Hindi tayo makaaabante kung may mga bagay na humihila sa atin pabalik sa mundo ng nega world.

5. HUWAG MONG KIMKIMIN. Kung kikimkimin mo ang sama ng loob mo, darating ang punto na sasabog ka at posibleng humantong sa pagkakataong hindi mo mapipigilan ang sarili mo. Gayundin, maaari kang ma-stress. Pero, kung susubukan mong sabihin sa mundo na hindi mo na kaya, maaari itong maka­tu­long sa’yo para guma­an ang bigat na nararamdaman mo.

6. MA­HA­LIN MO ANG SARILI MO. Madalas, pinipilit natin ang sarili nating maging perpekto sa mata ng iba kahit humantong tayo sa punto na hindi na natin kilala ang ating sarili. Beshy, hindi mo kailangang patunayan ang sarili mo sa ibang tao. Paano ka matututong magmahal nang tunay kung mismong sarili mo hindi mo kayang mahalin at pahalagahan?

Oh, ayan mga 'tol. Tandaan ninyo na kung ano ang mga bagay na iniisip natin tungkol sa sarili natin ay makapagdudulot ng malaking epekto sa ating pagkatao kaya sama-sama nating sugpuin ang pagiging negatron natin sa loob ng nega world! Paramihin natin si Optimism Prime! Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page