top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kapatid sa ama, 'di talaga ma-take… SEN. JV, NAG-WALKOUT SA STAGE NANG MAGSALITA SI JINGGOY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 2, 2019
  • 2 min read

Noong nangampanya sa Bacolod City, Negros Occidental kamakailan ang tumatakbong senador na si Jinggoy Estrada, nag­ka­roon ng eksklusi­bong panayam ang mga local press sa Bacolod at ma­laya nilang naita­nong kay Jinggoy ang estado ng relasyon nito sa kapatid na si JV Ejercito na tumatakbo ring senador sa darating na May, 2019 elections.

Matatandaang hin­di pabor si JV dahil pa­re­hong pinayagan ng kani­lang amang si Manila Mayor Erap Estrada na sila’y mag­kasabay ni Jinggoy ngayong hala­lan sa parehong pu­westo — ang pagka-senador.

Si Jinggoy ay anak ni Erap kay Dra. Loi Ejercito at si JV nama’y kay incumbent San Juan Mayor Guia Gomez.

Sagot ni Jinggoy, “Ok lang. Civil (lang kami). Ako, hinihintay ko siyang matapos mag­­­­salita. Habang nagsa­sa­lita ako, bumaba siya, eh. Pero okay lang.”

Sa pananaw naman ni Davao Mayor Sara Duterte na lider ng Hukbong ng Pagbabago, balang-araw ay magka­kaayos din ang magkapatid saying “Blood is thicker than water.”

Sang-ayon naman dito si Jinggoy, “Yeah, of course, naniniwala naman ako doon. Sooner or later maybe. “

Tanging panahon lang daw ang makakapagsabi kung kailan darating ang pagbabati ng magkapatid.

Buwelta ni Jinggoy, “That I do not know,” tungkol sa pagbabati nila.

Positibo ang pananaw niyang pa­reho silang mananalo ni JV sa darating na halalan. Magkasama na raw silang magkapatid sa Senate noong 2013.

Sa mga nakaraang survey ng Pulse Asia, mas mataas ang ranking ni Jing­goy kay JV. When asked kung tinu­tulu­ngan ba niya ang kapatid sa panga­ngam­panya, aniya, “He does not need naman my help. He is not asking for my help. As I’ve said in my previous interviews, even before the campaign started, sabi ko nga, kung ako lang ang masusunod, mas gusto ko nang pareho kaming manalo.”

Pahabol pa niya, “Parang ayaw niya akong manalo o ayaw niya akong tumakbo noong una. Ako naman, why deprive me of serving the people once again?”

Sakaling pareho silang manalo, magkabati na kaya sila?

“Whether we win or not, it’s up to him. Ako naman, I’m always open to any reconciliation. I’ve tried my very best, I’ve reached out so many times dahil pinagsasabihan ako ng tatay ko bilang panganay na anak, I have to reach out. I did everything just to please my father,” ani Jinggoy.

Well, kung kelan magkakabati ang magkapatid, let’s wait and see.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page