Guilty na sa sex video scandal at pambubugaw… SEUNGRI, BUKING DING NANGURAKOT, KINASUHAN
- Lee Vin Nia
- Apr 2, 2019
- 1 min read

HABANG patuloy ang imbestigasyon sa kaso ni Seungri at ng iba pang sangkot sa chatroom controversy, nadagdagan pa ngayon ng isang kaso ang singer at ito ay embezzlement charge.
Sa update na ibinigay ni Commissioner Won Kyung Hwan of the Seoul Metropolitan Police Agency sa presscon na isinagawa kahapon (April 1), nadiskubre raw nilang nagkaroon ng embezzlement of funds or paglustay/pangungurakot ng pera si Seungri at ang former CEO ng Yuri Holdings na si Yoo In Suk sa Monkey Museum, ang club na binuksan ng mga ito noong 2016.
Ini-reveal din ni Won Kyung Hwan na malaking pera ang nawawala at kasalukuyang iniimbestigahan pa ang eksaktong halaga at kung saan ito ginamit.
Kaugnay nito, kinasuhan si Seungri at si Yoo In Suk ng occupational embezzlement. Ito ay karagdagang kaso sa naunang isinampa sa singer na prostitution mediation dahil umano sa pagkuha at pagkakalat ng sex video scandal.
Bukod dito, may update rin na ibinigay ang pulisya sa naturang unang kaso ni Seungri. Ayon sa isang high-ranking source mula sa Seoul Metropolitan Police Agency, may mga ebidensiya na raw silang nakuha na totoong may mga insidenteng nagbugaw si Seungri ng mga babae.
“We have partially confirmed allegations of [Seungri’s] prostitution mediation. Following [the confirmation], we investigated several people in relation to the allegations for two weeks, and four to five of them were women. We also received a testimony about [Seungri] providing prostitution services,” pahayag ng source base sa report ng Soompi.





Comments