top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

GF, may iba pang gusto… SARAH, ‘DI PRIORITY ANG PAGPAPAKASAL KAY MATTEO

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 2, 2019
1 min read

KAHIT Pop Princess na, pinahahalagahan pa rin ni Sarah Geronimo ang edukasyon. Pangarap niyang makatapos ng isang degree sa kolehiyo at magkaroon ng college diploma kaya balak daw nitong balikan ang pag-aaral.

Naging abala man siya noon sa kanyang showbiz career, hindi nawawala sa kanyang mga future plans ang makapag-aral muli kapag naayos na ang kanyang schedule.

Inggit na inggit si Sarah sa ilang artistang na­pag­sasabay ang career at pag-aaral. Alam niyang hindi sa habampanahon ay sikat siya at marami pang projects na darating. Gusto rin niyang mag­karoon ng fallback.

Pangarap niyang madagdagan ang kanyang kaalaman sa maraming bagay. Kaya kahit na may bali-balitang engaged na sila ng BF niyang si Matteo Guidicelli, it seems mas magiging priority pa rin ni Sarah ang magpatuloy sa pag-aaral bago magpa­kasal at magkaroon ng pamilya.

Kung 3-4 years lang, siguro naman ay maka­kapaghintay pa si Matteo.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page