top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Gay TV host, kahit may Ion na… VICE KAY CALVIN: NA-MISS MO 'KO?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 2, 2019
2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

LUMABAS na nga ang pinaka­a­abangang guesting ni Kuya Escort Ion Perez sa Gandang Gabi Vice na unang nag-leak sa social media halos tatlong linggo na ang nakara­ra­an kung saan may isang netizen ang nag-post ng litrato na kuha sa naturang episode at sinabing umamin na diumano si Ion sa totoong relasyon nila ng Unka­bogable Star na si Vice Ganda.

Ang Eerie stars na sina Bea Alonzo at Charo Santos-Concio ang mga guests ng Gandang Gabi Vice noong Linggo (March 31) at dahil katatapos lang ng 43th birthday ng Unkabogable Star noong March 30, sinorpresa nila ito sa pama­ma­gitan ng pag-imbita kina Kuya Escort Ion at Ate Gurl na si Jackque Gonzaga.

‘Katatakutan’ ang tema nila dahil horror film nga ang Eerie na ipino-promote nina Bea at Charo. Natanong tu­loy nila sina Kuya Escort at Ate Gurl kung ano’ng pinakakinatatakutan nilang mawala.

Sabi ni Ate Gurl kay Vice na unang naging ka-love team ng Unkabogable Star sa It’s Showtime, “Ako, natatakot akong magbago ‘yung lahat, ‘yung tulu­yan ka nang maagaw sa akin… Kasi, ako naman ‘yung nauna, nilito ka lang niya.”

Makahulugan naman ang naging sagot ni Ion.

Aniya, “Ako po, kinatatakutan ko na matapos kung ano’ng meron kami,” na ikinagulat ng lahat dahil tila may ‘something’ na talagang namamagitan sa kanila ng Unkabogable Star.

Halatang-hatala rin na kilig na kilig si Vice Ganda at hindi na ito nakapag­salita sa sinabi ni Kuya Escort. Kaya ang sunod na tanong ni Charo kay Ion, “Ano ba ang meron kayo?”

Mukhang pinag-isipan ni Ion ang kanyang sagot at sinabing, “Ano po, spe­cial po siya sa akin,” habang naka­tingin kay Vice Ganda na talagang ikina­kilig ng lahat ng audience na nasa studio at ng mga guests na sina Bea at Charo.

Matapos marinig ang kilig na kilig na reaksiyon ng lahat, tila may pinagta­takpan naman si Vice at biglang sinabi na joke lang ang mga sinabi ni Ion.

Aniya, “Joke! Dyino-joke lang namin kayo, hindi ‘yun totoo. Dyino-joke lang namin kayo.”

Sa totoo lang, nakakakilig din tala­gang panoorin sina Ion at Vice. Bukod dito, marami rin silang napapasayang madlang pipol sa pamamagitan ng kanilang love team.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page