Eroplano nag-crash ISA SA PINAKAMAYAMANG BABAE SA RUSSIA, DEDBOL
Jersey Sanchez
Apr 2, 2019
1 min read
NASAWI ang isa sa pinakamayamang babae sa Russia at major shareholder ng Siberia Airlines matapos bumagsak ang sinasakyan nitong eroplano.
Ayon sa Forbes Magazine, si Fileva Natalia, 55, ay may yaman na aabot sa $600 milion o P31 billion.
Batay sa impormasyon, galing France ang naturang eroplano nang bigla itong nawala sa radar.
Gayundin, nasawi ang isa pang pasahero at piloto ng eroplano. Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa dahilan ng insidente.





Comments