CEO ng FB nanawagan sa gobyerno ng iba't ibang bansa NEGATIVE CONTENT SA INTERNET, KONTROLIN
NANAWAGAN si Facebook CEO Mark Zuckerberg sa gobyerno sa iba’t ibang bansa na maging aktibo sa pagkontrol ng mga maling nilalaman ng internet.
Dagdag pa ni Zuckerberg, hindi umano niya kayang bantayan nang mag-isa ang nilalaman ng internet kaya nararapat aniya na tumulong ang gobyerno.
Gayunman, dapat umanong magkaroon ng batas sa apat na areas tulad ng harmful content, election integrity, privacy at data portability.
Kapag mayroon nang batas ang bawat gobyerno, mababantayang mabuti ang anumang negatibong mga bagay na lalabas sa internet, pahayag ni Zuckerberg.
Samantala, ang panawagan ni Zuckerberg ay kasunod ng pagkalat ng video ng naganap na pamamaril sa mosque sa New Zealand.





Comments