3 tulak dedbol sa buy-bust
NUEVA ECIJA—Tatlong drug pushers ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Calaocan, San Jose City sa lalawigang ito.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Arjay Gallegos alyas Romnick at alyas Indon, pawang residente sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nahalata umano ng mga suspek na mga pulis ang katransaksiyon nila sa bentahan ng droga kaya pinagbabaril nila ang mga awtoridad.
Kaagad namang gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang tatlong suspek.





Comments