Surprise visit sa government agencies, ayos!
- BULGAR

- Apr 1, 2019
- 1 min read

KASABAY ng giyera sa iligal na droga, tuloy naman ang pagpapabuti sa serbisyo-publiko ng gobyerno.
Humiling ang ilang kalihim sa Civil Service Commission (CSC) na magkasa na rin ang ahensiya ng surprise inspection sa iba pang ahensiya ng gobyerno.
Ito ay upang personal na makita ang sitwasyon ng trabaho sa mga opisina ng mga ahensiya ng pamahalaan.
Sa pamamagitan ng liham, sinabi ni CSC Commissioner Atty. Aileen Lizada na humiling ang ilang kalihim na isama ang mga pinamumunuang tanggapan sa listahan ng mga target daanan ng ahensiya.
Malaking tulong ang hakbang na ito upang mapaigting at mapabuti pa ang serbisyo ng mga ahensiya ng gobyerno sa publiko.
Matatandaang, sa pag-iikot ng CSC, nadiskubre ang paglalaro ng mobile games ng ilang empleyado habang naka-duty at pagbebenta ng prangkisa ng tauhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa halagang P700, 000.
Kung mayroong mga pasaway na mahuhuli at matatanggal sa puwesto, magkakaroon ng pagkakataon ang mga karapat-dapat na mabigyan ng trabaho.
Ang pagiging empleyado ng gobyerno ay maituturing na higit pa sa pagiging pulitiko. Tayo ang direktang naglilingkod sa taumbayan, kaya tayo ang nagpapagaan sa kanilang kalooban sakaling may mga inilalapit silang suliranin.
Kaya dapat lang na maging mabuti tayo at tapat na manggagawa.





Comments