Sa ikalawang pagkakataon | AFGHANISTAN VP, NAKALIGTAS SA AMBUSH
- Jersey Sanchez
- Apr 1, 2019
- 1 min read
NAKALIGTAS mula sa pananambang ang bise-presidente ng Afghanistan na si Abdul Rashid Dostum, kamakalawa.
Ayon kay Bashir Ahmad Tayenj, spokesman ng Junbish Party, tinambangan ng armadong kalalakihan ang convoy ni Dostum habang papunta ito sa Jawzjan Province mula sa Lungsod ng Mazar-i-Shariff sa Balk Province.
Bagama’t, nakaligtas si Dostum, nasawi ang isa sa kanyang bodyguard habang dalawa ang sugatan.
Gayunman, inako ng grupong Taliban ang responsibilidad sa tangkang pananambang.
Matatandaang, walong buwan na ang nakalilipas mula nang makaligtas ang bise-presidente sa suicide bombing sa Kabul airport na inako ng grupong Islamic State.





Comments