Rider dedbol sa kotse
- Pabs Hernandez III
- Apr 1, 2019
- 1 min read
ZAMBOANGA DEL SUR—Isang rider ang namatay nang aksidenteng mabangga ng kotse ang kinalululanan nitong motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. Libertad, Aurora sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Nidevah Gesulog, residente ng nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng kotsengg minamaneho ni Yvonie Abao kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ni Gesulog.
Dinala pa ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide si Abao.





Comments