top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Nasa tamang edad na raw sila… BEA, KILIG NA KILIG NA GUSTONG ANAKAN NI GERALD NG 4

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 1, 2019
  • 1 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

NA-HOT SEAT ang aktres na si Bea Alonzo sa Magandang Buhay noong Biyernes (March 29) at pinilit ng mga hosts ng morning talk show na magbigay ng komento sa sinabi ng kanyang BF na si Gerald Anderson na apat ang gusto niyang maging anak sa aktres.

Kung matatandaan, sa guesting ni Gerald sa Magandang Buhay, sinabi niyang apat ang pangarap niyang maging anak nila ni Bea at sinabi rin nito ang mga plano niya sa buhay after 9 years.

Ani Gerald, “Nine years from now, 39 na ako niyan, sana, may pamilya na. Sana, mas maraming gym.”

Dagdag pa nito, “Gusto natin na stable. May family ako. May maliliit na ako… Ang pangarap ko, sana 4 babies.”

Ayon kay Bea, walang masama sa sinabi ni Gerald dahil matured na rin na­man ang pagmamahal nila sa isa’t isa at mas magugulat daw siya kung wala pang plano si Gerald para sa kanilang future.

Aniya, “Apat?”

Dagdag pa niya, “Siyempre, naka­ka­kilig marinig… Nasa edad naman kami na parang hindi naman kami naglalaro. Parang kakabahan din ako kung hindi siya ganu’n magsasalita.”

Busy pa sa kani-kanilang career ang offscreen love team na sina Bea at Gerald, pero sa kabila nito, nananatili pa ring matatag ang kanilang relasyon dahil sa maturity ng pagmamahal nila sa isa’t isa.

Samantala, showing pa rin sa mga sinehan ang bagong pelikula ni Bea Alonzo na Eerie kung saan kasama niya ang magaling na aktres na si Charo Santos-Concio. Ayon sa mga nakapa­nood, kakaibang horror film ito at talagang hindi magsisisi ang mga moviegoers dahil isa itong quality Pinoy horror film na mai­pagmamalaki sa international cinema.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page