top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Malinaw ayon sa palad... BEBOT NA NAKATAKDANG IKASAL SA SUSUNOD NA TAONG 2020

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 1, 2019
  • 2 min read

KATANUNGAN

  1. May boyfriend ako at magpa-five years na kami, ang ipinagtataka ko lang, kahit may sa­vings na kami ay hindi pa niya binabanggit sa akin ang tungkol sa pag­papaka­sal.

  2. Ano sa palagay ninyo, totohanin kaya ako ng boyfriend kong ito o sa bandang huli ay hindi rin kami ang mag­kakatuluyan?

  3. Ang ikinatatakot ko ay baka matulad ako sa iba na mahabang pana­hong naghintay tapos sa bandang huli ay hindi rin pala kami ang magkaka­tuluyan.

  4. Maestro, ano sa palagay ninyo, compa­tible ba kami at sa ban­dang huli, kami na kaya ang magkakatuluyan?

KASAGUTAN

  1. Wala kang dapat pag-alinlanganan o kata­kutan, Jenny, dahil sa ban­dang huli kayo na ang mag­kakatuluyan ng kasa­lukuyan mong boyfriend. Ito ang nais sabihin ng ka­isa-isang malinaw at ma­ganda namang Mar­riage Line (Drawing A.a t B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Tanda na sa sanda­ling nakipag-usap ka nang masinsinan sa iyong boy­friend, tiyak ang maga­ga­nap, maiintindihan mo rin ang kanyang pasya kung bakit parang wala pa sa plano niya na pakasalan ka at bumuo ng sariling pa­milya.

  3. Maliwanag naman ang posibleng maging da­hilan, maaaring nagpa­pa­gawa pala siya ng ba­hay na inyong tutuluyan o nag-iipon pa ang boy­friend mo ng maraming-maraming pera na gaga­mitin ninyo sa inyong ka­sal upang minsan pa ka­pag natuklasan mo ang sorpresa niyang ‘yun sa iyo, imbes na magalit ka, baka bigla ka pang maiyak sa sobrang tuwa (Drawing A. at B. H-H arrow b.) da­hil hindi mo alin­tana na sob­rang mahal ka pala talaga ng boy­friend mo at sob­rang respon­sable siyang la­laki da­hil malayo pa lang ay pinag­la­laanan na niya talaga ang future ng itatayo nin­yong pamilya.

DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, Jenny, humi­git-kumulang ga­nu’n nga ang mangyayari kung saan malaon pa lang ini­hahanda na ng boy­friend mo ang masayang kasa­lan na tinatayang maga­ganap sa susunod na ta­ong 2020 sa buwan ng Disyembre, sa edad mong 29 pataas kung saan ang nasabing pag-aasawa ang siya na ring magiging simula ng masaya, maun­lad at panghabambuhay na pagpapamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page