7 MAGHAHARAP SA PHILRACOM 4 YO RACE

PITONG mananakbo na kinabibilangan ng local horse ang maghaharap sa 2019 Philracom “4 Year Old & Above Local Stakes Race” sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite sa darating na Abril 14, 2019.
Tatawid sa 1,400 ang mga kalahok na kinabibilangan ng Cerveza Rosas, Hot and Spicy, Lakan, Mandatum, Salt and Pepper, Smokin Saturday at Summer Romance.
May guaranteed prizes na P500,000 na hahatiin sa apat na unang makatatawid sa finish line. Tatanggap ng P300,000 ang makakakuha ng titulo habang mapupunta sa 2nd place ang P112,500 habang makatatanggap ng halagang P62,500 ang 3rd placer at P25,000 sa 4th placer. May nakalaan na P15,000 ang horse breeder ng mananalong kabayo.
Samantala sa Abril 21, gaganapin naman ang 2019 Philracom 4 Year Old Local Fillies and Colts sa Saddle and Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite. Bukas sa lahat ng 4 Year Old Local Fillies at Colts na may timbang ng 52 kg ang babae at 54 sa lalaki na may guaranteed prizes na P1-M. Hahatiin sa apat na premyo na makatatanggap ng P600,000 ang mananalo sa mga kalahok ay mag-uuwi ng P225,000 ang 2nd place at tatanggap ng halagang P125,000 ang 3rd place at may halagang P50,000 ang tatanghaling 4th place. Makatatanggap ng P30,000 ang breeder sa mananalong mananakbo.





Comments