Tanggap lang daw siya 'pag nagpapatawa, pero 'di ang kabaklaan niya…VICE SA MADLANG PIPOL: S


FORTY-THIRD birthday ngayong March 31 ng Unkabogable Star na si Vice Ganda. (Happy birthday, Vice!)
Kaya naman, nagkaroon siya ng advance birthday celebration kahapon sa It’s Showtime kung saan natanong si Vice sa kanyang birthday wish.
Bungad ni Vice, career-wise and kung financial aspect ang pagbabasehan, okay na siya dahil nakaipon na rin naman at napupuntahan ang mga gustong puntahan.
Kaya naman ang hiling na lang daw niya ay suportahan naman ng mga fans and supporters niya ang kanyang love life tulad ng pagsuporta sa pagpapatawa niya sa madlang pipol.
Pahayag ni Vice na ramdam mong may tampo sa mga hindi ma-take ang pagkaka-link niya sa mga kapwa lalaki, “Kasi, ang dami kong nababasa and ‘di ko talaga maintindihan bakit ‘yung iba, gusto lang nila ‘yung bakla ‘pag nagpapatawa. Pero ‘pag ‘yung bakla, nagmamahal, hindi nila gusto.
“‘Pag ‘yung bakla, binabatukan sa TV o sa pelikula, natatawa sila. Pero ‘yung bakla, minamahal nu’ng lalaki, hindi n’yo matanggap.”
Dagdag pa niya, “Sana, maging masaya tayo para sa isa’t isa. Hindi naman ikakabawas ng kasiyahan at pagkatao ninyo kung magiging masaya kayo sa kasiyahan ng iba. ‘Yun ang wish ko para sa isa’t isa. God bless you.”
Si Kuya Escort Ion Perez ng It’s Showtime ang latest na nali-link ngayon kay Vice Ganda at sa totoo lang, ang cute at bentang-benta sa mga viewers ang mga pakilig nila sa noontime show.
Ang inaabangan na lang ngayon ng lahat ay kung kelan aamin sina Vice at Ion na hindi lang pang-camera ang landian nila kundi totohanan na.





Comments