Sinuportahan ng mga taga-showbiz, mga shows, tuloy… PAGHINGI NG TAWAD NI MIGO MATAPOS MAG-HIT AND R
- BULGAR

- Mar 31, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

PINAG-AAWAYAN ng mga supporters at non-supporters ni Migo Adecer ang apology niya sa kinasangkutang hit and run incident.
Ang mga showbiz friends ni Migo gaya nina Rhian Ramos, Jerald Napoles, Gil Cuerva, Matthias Roads, Dave Bornea, Jason Abalos ay nag-message ng support, pero ang mga netizens, ayaw maniwala sa kanya.
Lesson learned kay Migo ang nangyari sa kanya and hopefully, hindi na maulit. Ang maganda pang balita, hindi raw siya aalisin sa Studio 7 at hindi papalitan sa Sahaya kung saan gumaganap siya bilang si Jordan. Hindi pa raw nagte-taping si Migo sa epic drama series.





Comments