top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

PEREZ, ‘DI PINAPORMA SI JAJA NG TORNADOES

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 31, 2019
  • 2 min read

DINISKARIL ng F2 Logistics ang pagbabalik laro ni Jaja Santiago nang i-demolish ang Foton Tornadoes, 28-26, 25-15, 25-23 sa Philippine Superliga Grand Prix kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Magara ang naging performance ni Olympian Maria Jose Perez ng Venezuela, siya ang umagapay para sa atake ng Cargo Movers sa second set tungo sa madaliang panalo sa prestihiyosong women’s club tourney.

Si Perez, ang Most Valuable Player ng 2017 Grand Prix na pumalit kay American -Italian Becky Perry nang nakaraang linggo ay nakapagdeliber ng 15 kills at 4 blocks para sa 19 puntos habang si Lindsay Stalzer ay may 12 puntos para sa Cargo na pumoste ng ika-9 na panalo sa 12 laro.

Nakabakas din si Ara Galang ng inirehistrong 11 marka habang si national team captain Aby Maraño ay nagdagdag ng 10 para sa F2 Logistics na pakay hubaran ng korona ang karibal na Petron sa bakbakang ito.

“I’m so happy to be back here in the PSL,” ayon kay Perez kasunod ng una niyang laro matapos na biguin ang Cargo Movers at ilagay sa runner-up finish noong 2018. “It feels really great to play for F2 Logistics again. They’re like a family to me and I’m really so happy.

Nakagawa si Import Courtney Felinski ng 18 puntos habang si Milagros Collar ay may 14 puntos para sa Foton na nanatiling nasa ilalim ng standings na may 1-11 win-loss card.

Sa wakas nakabalik din sa laro si Santiago, ang MVP ng 2016 Grand Prix mula nang maglaro sa Ageo Medics sa V.Premier League sa Japan. Pero hindi pa rin gaanong nakapagpakitang gilas si Santiago dahil tanging 7 attacks lang, isang block at aces para sa 9 puntos ang nabakas nito. (MC/VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page