top of page
Pokwang.jpg

Paalala na mabuhay sa pakikipagsapalaran

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 31, 2019
1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Kaze ng Kaze_No_Ishi@ facebook.com

Dear Professor,

Umaakyat ako ng hagdan at pagdating ko sa dulo ay may ma­laking hahakba­ngan na kapag nagkamali, pakiramdam ko ay ma­huhulog ako sa pi­na­ka­­ibaba kung saan ako nag-umpisang umak­­yat.

Kasunod nito ay dumaan ako sa ma­sikip, pero nalaman ko na mayroon palang hagdan patungo sa lugar na aking kinata­tayuan na mas maha­ba, pero madaling da­anan kumpara sa gi­nawa ko na maigsi, ngunit, mas mahirap akyatin.

Ano ang masasabi ninyo tungkol sa aking panaginip?

Naghihintay,

Kaze

Sa iyo Kaze,

Kumuha ka ng ideya sa mga salitang “happi­ness comes from living at the edge” na nagsa­sabing ang kaligayahan ay makukuha sa maka­pigil-hiningang karana­san.

Ang isa sa halim­bawa nito ay ang iyong panaginip na sa paki­ramdam mo ay mahu­hulog ka sa pinakaibaba.

Ito rin ay nagsasa­bing, pagkatapos mong malagpasan ang akala mong hindi mo kaya, ka­­ligayahan ang iyong madarama.

Ang isa sa mga ha­limbawa ay ang panagi­nip mo na masikip na daan para makarating ka sa iyong paroroonan.

Kapag nagtagumpay ang tao, ang mahirap na karanasan ay masasa­bing walang pagsidlan. Ito mismo ay para sa si­nabi mo na mahirap na pag-akyat.

Piliin mo ang mabu­hay sa pakikipagsapala­ran, kumbaga, huwag kang tumulad sa mara­mi na ang gusto ay ang ma­bilisang tagumpay kung saan wala silang ma­papala kundi ang ma­tuwa lang naman at pag­katapos ay wala na da­hil ang nakukuha sa mabilis at madaling pa­raan ay ang mga alaala na ma­itatala sa aklat ng kani­lang buhay na wa­lang anumang nakuhang mga gintong karanasan.

Muli, makipagsapa­laran ka!

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page