HOROSCOPE | MARSO 31, 2019 (Linggo)
- BULGAR

- Mar 31, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG MARSO 31, 2019 (Linggo): Naghihintay sa iyo ang malalaking suwerte, kaya hindi ka puwedeng huminto sa pakikipagsapalaran. Ito ang ibig sabihin ng araw na ito ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang matatakot sa mga makahaharap mong pagsubok dahil ang mga pagsubok na ito ay kusa ring mawawala, lalo na kapag nagpakita ka ng katapangan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-18-20-21-26-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ikaw mismo ay magtataka sa kapalaran mo. Hindi sinasadyang susuwertehin ka dahil sa ikinikilos ng kakilala mo na inaakala mong walang magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-24-26-34-36-43.
GEMINI (May 21- June 20) - Kahit ilang beses madapa ang tao dapat ay tayo pa rin siya nang tayo. Tulad mo, muli kang babangon sa pagkabigo at makikitang gumaganda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-11-18-21-23-31.
CANCER (June 21- July 22) - Nasaan ba ang iyong suwerte? Ito ang matagal mo ng itinatanong sa iyong sarili. Ang sagot ay nagsasabing, ang mga suwerte mo ay nasa mga taong mahirap kausap. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-20-22-28-34-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nakatutuwa ang kapalaran mo. Gumawa ka ng mabuti sa tao nang walang kapalit. Kapag ginawan ka ng hindi mabuti, ang aanihin mo ay magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-8-12-25-29-30.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Paikut-ikot lang ang tao sa sarili niyang mundo. Sa pagkakataong ito, muli kang liligaya at susuwertehin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-14-16-26-30-31.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Inaayos ng kapalaran ang buhay ng bawat tao. Tulad mo, kusang aayusin ng iyong kapalaran ang buhay mo. Sa pag-aayos ay may mga bagay na aakalain mong hindi maganda. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-15-18-29-30-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pilitin ang ayaw sumunod dahil ngayon lang naman siya aayaw. Sa ibang araw, magugulat ka dahil siya ang magiging alipin mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-25-27-30-35-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bawat salita ay may kapangyarihan, kaya ang payo sa iyo ay ingatan mo ang magsalita ng hindi maganda dahil malaki ang posibilidad na ang sasabihin mo ay magkakatotoo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-11-13-18-19-24.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lihim kang ngumiti kapag may gumawa sa iyo ng mali. Lihim kang matuwa kapag siniraan ka dahil ang kondisyon para mapasaiyo ang malaking suwerte ay ang nasa una. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-10-16-18-20-23.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makipagsapalaran ka at mananalo ka. Para sa iyo, ang pakikipagsapalaran ay ituring mong masayang laro lang. Sa ganito, bubuhos ang mga suwerte sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-9-17-25-27-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi kailangang magpunta ka sa malayo, sapat ng balik-balikan mo ang matamis na sandali na pinagsaluhan ninyo ng taong nasa malayo. Sa ganito, ang mga suwerte ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-16-21-28-30-33.




Comments